Biyernes, Marso 3, 2017

TALUMPATI

Nakalilito ang panahon.Uulan taos iinit. Tag-araw pero napapaaga ang pagpaparamdam ng tag-ulan. Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon ang ating kalikasan ngayon? Kung ating titingnan ang bawat anggulo, makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao. Masasabi ko ito dahil ito ang aking nasasaksihan sa aking kapaligiran. Bagyo, lindol, baha, sunog sa kagubatan at iba pa ang kadalasan naririnig, nababasa at napapanood natin. Para sa kalikasan, ang pagkawasak ng kaggubatan, kabundukan, mga ilog at karagatan ay resulta na sa isang krisis sa kalikasan na lalong nagpapahirap at nagiging banta sa pag iral ng mamamayan.

Ang natural na kalamidad ay hindi maaaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang naaabot na kaalaman at teknolohiya ng mundo. Subalit ang paglala nito at ang pagdami ng mga biktima- buhay ng tao, kabuhayan, ari-arian ay hindi na kagagawan ng kalikasan kundi kagagawan na ng panlipunang sistemang umiiral. Tayo rin naman ang sumisira sa mismo nating kalikasan. Tinataon lang ang mga basura kahit saan kaya kung minsan nakikita natin iilang lugar ang katambak-tambak na basura. Pinuputol din ang mga puno kahit maliliit pa at hindi pinapalitan ng bago kung kaya't wala ng sumisipsip sa tubig tuwing bumabaha. Kung tag-init naman wala ng masisilungan kunf kaya marami ang nagkasasakit ng heartstroke.

Hindi man mapigilan ang mga kalamidan, maaari naman itong mapaghandaan at mamiminisa ang pinsalang idudulot ng mga ito. Ang pagtatanim ng punong ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pantulong upang maibalik ang kagandahan at mapangalagaan ang kalikasan. Magsimula lang tayo sa maliit at yang maliit na yan ay malaking tulong na sa pagprepreserba sa kalikasan. Sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan.

1 komento:

  1. Casinos Near Chicago (IL) - JTA Hub
    JT 목포 출장안마 Hub provides information about the following IL casinos: 문경 출장안마 • Casinos Near Chicago 속초 출장안마 (IL) · JTG Hotel & Casino 김해 출장마사지 · JT 동해 출장마사지 Hotel & Casino · JT Hotel & Casino · JTG

    TumugonBurahin