Biyernes, Marso 3, 2017

TALUMPATI

Nakalilito ang panahon.Uulan taos iinit. Tag-araw pero napapaaga ang pagpaparamdam ng tag-ulan. Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon ang ating kalikasan ngayon? Kung ating titingnan ang bawat anggulo, makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao. Masasabi ko ito dahil ito ang aking nasasaksihan sa aking kapaligiran. Bagyo, lindol, baha, sunog sa kagubatan at iba pa ang kadalasan naririnig, nababasa at napapanood natin. Para sa kalikasan, ang pagkawasak ng kaggubatan, kabundukan, mga ilog at karagatan ay resulta na sa isang krisis sa kalikasan na lalong nagpapahirap at nagiging banta sa pag iral ng mamamayan.

Ang natural na kalamidad ay hindi maaaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang naaabot na kaalaman at teknolohiya ng mundo. Subalit ang paglala nito at ang pagdami ng mga biktima- buhay ng tao, kabuhayan, ari-arian ay hindi na kagagawan ng kalikasan kundi kagagawan na ng panlipunang sistemang umiiral. Tayo rin naman ang sumisira sa mismo nating kalikasan. Tinataon lang ang mga basura kahit saan kaya kung minsan nakikita natin iilang lugar ang katambak-tambak na basura. Pinuputol din ang mga puno kahit maliliit pa at hindi pinapalitan ng bago kung kaya't wala ng sumisipsip sa tubig tuwing bumabaha. Kung tag-init naman wala ng masisilungan kunf kaya marami ang nagkasasakit ng heartstroke.

Hindi man mapigilan ang mga kalamidan, maaari naman itong mapaghandaan at mamiminisa ang pinsalang idudulot ng mga ito. Ang pagtatanim ng punong ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pantulong upang maibalik ang kagandahan at mapangalagaan ang kalikasan. Magsimula lang tayo sa maliit at yang maliit na yan ay malaking tulong na sa pagprepreserba sa kalikasan. Sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan.

POSISYONG PAPEL

Isang napagandang panukala ang kasalukuyang idinidinig ngayon sa korte hinggli sa House Bill 4144 o ang SIN TAX REFORM ACT. Mahigit 176 na mambabatas ang pumapabor sa panukalang ito. Katulad nila, sumasang-ayon din ako sa inaasahang mapatutupad na batas dahil sa mga benepisyong mangyayari. Bukod sa kikita nga malaki ang pamahalaan sa malaking tax mula sa sigarilyo na aabot sa P14 bilyon, marami rin ang mahihikayat na tumigil na sa pagyoyosi. Sa pagmahal ng resyo ng sigarilyo maraming tao na gumagamit nito ay titigil na ang nakamamatay na yosi.

Bilang karagdagan, nakatutulong din ang paglalagay ng mga litrato o mga larawan at mga salita sa bawat pakete ng sigarilyo bilang babala sa mga mamimili, dahil magkakaroon sila ng ideya na nakasasama talaga ang paggamit ng sigarilyo. Mas madali kasing maintindihan ng iilang tao kung makikita nila mismo ang mga epekto ng paggamit ng yosi. Ang mga larawan ng sunog a baga, o hindi kaya'y sirang ngipin at butas na lalamunan ay ang iilang halibawa ng inilalagay sa mga pakete ng sigarilyo. Ang lahat ng sinabi ko ay nakasaad sa Republic Act 10643 na nilagdaan ni dating pangulong Noynoy Aquino noong 2014.

Ayon sa DOH, mahigit kumulang 87,600 pilipino ang namamatay taon-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Maaaring dumami pa ang titigil sa pagyoyosi kapag lubusan nang maisakatuparan ang bagong tax sa sigarilyo. Sino pa ang bibili ng yosi na napakamahal at nagdudulot ng kanser sa baga. Mas magiging matimbang ang kalusugan kaysa sa hatak ng bisyong ito na walang naidudulot sa katawan. Mas maganda kung isasagad pa nila sa super-taas ang tax sa sigarilyo para wala na talagang bumili nito. ito talaga ang nararapat.